Umaasa si Pangulong Rodrigo Duterte na magkakaroon pa ng karagdagang Overseas Filipino Worker (OFW) Center sa bawat malalaking lungsod sa bansa.
Sa kanyang talumpati sa groundbreaking ceremony ng OFW center sa Las Piñas City, binigyang-diin ng pangulo ang kahalagahan ng ambag ng mga OFW sa ekonomiya ng bansa.
Hindi anya dapat pahirapan ang mga migrant worker sa pagkuha ng mga kailangan nilang dokumento upang makapagtrabaho sa ibayong-dagat.
Ito ang dahilan kaya’t nanawagan si Pangulong Duterte kay Migrant Workers Secretary Abdullah “Dabs” Mama-O na dagdagan ang mga one-stop shop para sa mga OFW na dapat matatagpuan sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno.