Aprubado na ng House Committee on Basic Education and culture ang panukalang lilikha sa Learning Materials Development Center (LMDC) Sa ilalim ng University of the Philippines college of education.
Ito’y upang matiyak na tama, may kalidad at epektibo ang learning materials sa public school system.
Kabilang ang naturang panukala sa House Bill 5247 o proposed K-12 reform act.
Sa ilalim ng bill, ang LMDC ang magsisilbing taga-sala ng mga ipinamamahaging learning materials na pamumunuan ng isang executive director na itatalaga ng dean ng college of education.
Isinulong ang panukala matapos ang ilang beses na pagkakadiskubre sa mga hindi kanais-nais at malalaswang salita sa ilang learning materials ng mga estudyante. —sa panulat ni Drew Nacino