Inatasan ni Pang. Rodrigo Duterte ang Department of Health (DOH) at Department of Science and Technology (DOST) na lumikha ng bagong task force na tututok lamang sa new COVID-19 strain na namataan sa United Kingdom.
Sa emergency meeting na ipinatawag ni Pang. Duterte kagabi, sinabi nito na, kinakailangang mga medical person ang nakatutok sa mga development ng bagong strain upang malaman kung ito ba’y lubhang mapanganib o hindi.
Sinabi naman ni Health Sec. Francisco Duque III na kahit mataas ang porsyento na makapanghawa ang new COVID-19 strain ay wala naman aniyang indikasyon na lubha itong mapanganib.
Subalit, binigyang-diin ng Pangulo na hindi dapat na magpaka-kumpiyansa ang pamahalaan, at dapat paring itrato ang new variant na isang sakit na nakamamatay na may posibilidad na pumasok sa Pilipinas.