Isinusulong ni Senate Health Committee Chair JV Ejercito ang paglikha ng task force para masusing maimbestigahan ang isyu ng Dengvaxia vaccine.
Ang task force ayon kay Ejercito ay bubuuin ng mga kinatawan mula sa Department of Health, World Health Organization, Philippine Medical Association at Medical Societies, academe at mga kilalang medical at health experts.
Sinabi ni Ejercito na nagsumite na siya ng resolusyon para imbestigahan ang dengue immunization program ng DOH at clinical findings ng Sanofi Pasteur na may masamang epekto ang Dengvaxia sa mga naturukan nito kahit hindi pa nagkaka dengue.
Darating sa bansa ang mga opisyal ng WHO sa December 12 at 13 at nais ni Ejercito na mapakinggan muna ang sasabihin ng mga taga WHO bago magsagawa ng pagdinig.