Naniniwala si Senador Sonny Angara na ang paglikha ng trabahong may malaking suweldo ang solusyon para hindi na mangibang bansa ang maraming Pilipino.
Ayon kay Angara, bukod sa pahirapan ang paghahanap ng trabaho sa bansa ay hindi rin umaakma ang sahod dito sa kasalukuyang inflation rate.
Dahil dito aniya ay napipilitang umalis ng bansa ang maraming Pilipino upang mabigyan ng buhay ang kanilang pamilya kahit ang kapalit nito ay pagkawalay nila ng matagal sa kanilang mga mahal sa buhay.
Kaugnay nito, naghain ang Senador ng isang resolusyon sa Senado para iparepaso ang labor policies ng gobyerno na titiyak sa pagkakaroon ng hanapbuhay para sa mga Pilipino at upang maiwasan na ang pangingibang bansa.
Posted by: Robert Eugenio