Nagpapatuloy ang paglikom ng salapi ng Department of Foreign Affairs o DFA para sa blood money ng Overses Filipino Worker na si Joselito ZAPANTA.
Si Zapanta ay nahatulan ng kamatayan sa Saudi Arabia matapos nitong mapatay ang Sudanese niyang landlord noong 2009.
Pero napagdesisyunan ng biyuda ng Sudanese na magbayad na lamang ang OFW ng blood money na nagkakahalaga ng P50 million na naging P48 million.
Sa ngayon sinabi ni DFA Spokesperson Assistant Sec. Charles Jose na puspusan na ang kanilang paghagilap ng salapi.
P23 million pa lamang ang kanilang naiipon at kailangan pa ng P25 million.
Kaya naman, patuloy aniya ang kanilang panawagan sa mga mabuting samaritano na tulungan ang ating kababayan.
By: Allan Francisco