Hindi muna papayagan ang paglilibing sa Manila North Cemetery ng ilang araw bilang paghahanda sa paggunita sa araw ng mga patay
Ayon sa pamunuan ng Manila North Cemetery, bawal din ang cremation mula October 29 hanggang November 2.
Hindi na papayagan ang pagpasok ng lahat ng uri ng sasakyan sa nasabing sementeryo sa nasabi ring petsa samantalang ang paglilinis ng mga puntod ay uubra hanggang October 29 lamang.
Samantala, dumating na sa Manila North Cemetery ang isang grupo ng MMDA personnel para sa nakatakdang clean up drive.
By: Judith Larino