Planong isulong ng Western Mindanao Command o WESMINCOM na ma-limitahan na lamang sa ilang piling lugar sa Mindanao ang pagpapatupad ng batas militar.
Ito ang inihayag ni WESMINCOM Commander Lt. General Cirilito Sobejana kasunod na rin ng gumagandang sitwasyon sa Mindanao habang papalapit ang expiration ng umiiral na martial law.
Ayon kay Sobejana, sakaling hingan sila ng report ng Department of Defense, kanilang irerekomenda na maalis na ang martial law sa Davao City at Cagayan De Oro City.
Gayunman, tiniyak ni Sobejana na kanilang pa ring mahigpit na tututukan ang lahat ng lokal na pamahalaan sa Mindanao mula gobernador, alkalde at pababa hanggang barangay captain.
Una rito, nakatakdang magsumite ng rekomendasyon ang Armed Forces of the Philippines sa Disyembre hinggil sa sitwasyon sa Mindanao o kung may pangangailangang palawigin ang pag-iral ng batas mlitar doon.