Balik Probinsya Program ang nakikitang sagot ng Metro Manila Development Authority (MMDA) upang ma-decongest ang populasyon sa rehiyon.
Ito ang inihayag sa DWIZ ni MMDA General Manager Jojo Garcia bilang reaksyon sa panukala ni Surigao Del Norte Rep. Robert Ace Barbers na limitahan na lamang sa 15,000 ang populasyon ng bawat barangay sa bansa.
Sinabi ni Garcia na nakadepende ang populasyon ng isang barangay sa Metro Manila sa dami naman ng populasyon sa isang lungsod o bayan.
Depende sa size ng barangay, like Quezon City may barangay po diyan 200,000 ang population. May iba naman [For example in Caloocan, Manila there population is around 2,000 only] siguro talaga depende sa [population ng barangay]. ani Garcia
Kailangan din aniyang burahin na ng mga Pilipino ang mentalidad na nasa Maynila ang sagot sa kahirapan dahil mas maraming oportunidad ang dapat na makita sa mga kanayunan.