Puspusan na ang isinasagawang paglilinis ng mga kalsada sa Metro Manila.
Ayon kay Atty. Ariel Inton, pinuno ng Quezon City Task Force for transport and traffic management, kahit maaga na isinasagawa ang clearing operations sa Quezon City para maubos ang obstruction mahirap parin malinis ang buong lungsod dahil sa laki nito.
Una nang kinumpirma nang mga lokal na pamahalaan ng Navotas, Valenzuela, Malabon, San Juan, Pateros maging ang Pasay City na isandaang porsyento na nilang tapos sa road obstructions.
Matatandaang ipinag utos ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang paglinis ng mga road obstruction sa loob lang ng 60 araw.
Sa panulat ni Lyn Legarteja.