Todo paghahanda na ang Lokal na Pamahalaan ng Kalookan sa paglilinis sa loob at labas ng mga sementeryo bilang paghahanda sa nalalapit na paggunita sa araw ng mga yumao at banal o undas ngayong taon.
Kung saan iniikot ng mga tauhan ng Caloocan City Environmental Management Department (CEMD) ang lahat ng pampublikong sementeryo sa lungsod.
Kabilang sa mga ginagawang paglilinis ng lokal na pamahalaan ay ang fogging at hauling operations sa Tala Cemetery at Bagbaguin Cemetery para masigurong walang anumang insekto na magdadala ng sakit.
Gayondin ang pagpintura , paglilinis at pagsasagawa ng flushing operations ng mga tauhan ng Public Safety and Traffic Management Department (PSTMD) sa Sangandaan Cemetery.