Posibleng abutin pa ng isa hanggang isa at kalahating taon ang paglillinis at pagtanggal sa mga guho sa ground zero ng Marawi City.
Ayon kay Assistant Secretary Felix Castro ng HUDCC o Housing Urban Development Coordinating Council, tuloy tuloy ang paggawa nila ng temporary shelters upang hindi na abutin ng isang taong mahigit sa evacuation centers ang mga apektadong pamilya.
Ipinaliwanag ni Castro na tanging ang mga pag-aaring gusali at lugar ng pamahalaan ang gigibain at lilinisin ng gobyerno.
Tiniyak ni Castro na hindi nila gagalawin ang mga private properties maliban kung hihingin ng may ari na maisama ang kanilang lugar sa mga padadaanan ng bulldozer.