Sinimulan na ng gobyerno ang paglilinis sa coral reef at ilalim ng tubig ng Boracay ilang araw bago isara ang isla sa mga turista.
Itinaon nila ito sa pagdiriwang ng Earth Day ngayong araw.
Kinolekta ng mga diver ang mga hindi nabubulok na basura mula sa Boracay Coral Garden sa station 1, Angol Point sa station 2 at sa Tambisaan Point sa east coast.
Maglalagay din ng buoya ang gobyerno sa tatlong snorkeling at diving zones para markahan itong protected sites.
Ayon kay Jessie Vego, ang Assistant Regional Director for Technical Services ng DENR, mahalaga sa ikauunlad ng isang isla ang malinis na karagatan.