Tiniyak ng Department of Environment and Natural Resources o DENR na patuloy nilang isusulong ang paglilinis ng Laguna De Bay sa mga iligal na istruktura.
Sa kabila ito ng umano’y nakaambang Limampung Milyong Pisong pagkalugi ng LLDA o Laguna Lake Development Authority.
Ayon kay DENR Undersecretary and National anti-Environmental Crime Task Force Head Art Valdez, nakahanda ang kagawaran na bigyan ng technical support ang LLDA para mapunan ang mawawalang kita para lang maipagpatuloy nito ang kanilang mandato.
LLDA ang nangongolekta ng mga bayad sa mga fishpen operator at fish cage operator sa lawa ng Laguna.
By: Avee Devierte