Sinimulan na ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno ang paglilinis sa mga naiwang kalat at basura ng mga raliyista.
Pinangunahan ng mga tauhan ng Department of Public Works and Highways ang pagpipintura sa mga poste ng Light Rail Transit o LRT Line 2 matapos sulatan o mag-vandal ang mga raliyista
Pinagtulungan namang walisin ang mga basura sa naturang lugar ng Metropolitan Manila Development Authority at Department of Public Services ng pamahalaang lokal ng Maynila.
Isang trak din ng DPS ang umantabay para kumolekta ng mga basurang nakuha sa naturang lugar.
SMW: RPE