Tiniyak ni Justice Secretary Menardo Guevarra na maging ang mga ahensyang miyembro ng Mega Task Force ay kasama sa mga iimbestigahan dahil sa posibleng katiwalian.
Matatandaang ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbuo ng task force para siyasatin ang mga tiwaling empleyado at opisyal ng mga ahensya ng pamahalaan.
Ayon kay Guevarra, alam ng mga kasapi ng lupon na nakasalalay ang kredibilidad ng bawat miyembro sa kakayahan nilang linisin ang kanilang sariling bakuran.