Napurnada ang dapat sana’y paglilipat kay Customs Broker Mark Taguba sa PNP Custodial Center sa Camp Crame kahapon.
Ito’y makaraang harangin ng mga Pulis Crame ang mga ahente ng NBI o National Bureau of Investigation na siyang naghatid dito kay Taguba na suspek sa 6.8 Billion Pesos shabu shipment mula China.
Ayon sa mga abogado ng kampo, mayruong inilabas na Memorandum Circular ang pulisya na pumipigil sa NBI na ilipat duon si Taguba alinsunod na rin umano sa naging kautusan ng Korte Suprema.
Magugunitang ipinag-utos ng Manila RTC o Regional Trial Court Branch 46 ang paglilipat kay Taguba mula sa NBI patungong PNP Custodial Center.
Ito’y matapos maghain naman ng apela ang kampo ni Taguba para huwag siyang mailipat sa Manila City Jail bunsod na rin ng banta sa kaniyang seguridad.
RPE