Kuwestyonable ang paglilipat ng DOH ng halos P42 bilyon sa DBM Procurement service.
Ayon ito kay House Committee on Public Accounts Chairman Jose Benito Singson, Jr. matapos sumalang sa virtual hearing si Health Secretary Francisco Duque II kaugnay sa mahigit P67 bilyon na deficiencies ng COVID-19 response fund ng DOH batay sa annual COA report.
Sinabi ni Singson na hindi tama ang ginawa ng DOH dahil mayruon itong sariling budget.
Wala aniyang discretionary powers ang DOH o anumang ahensya ng gobyerno dahil ang budget ng mga ito ay inaaprubahan ng DBM base sa paglalatag ng gastusin ng mismong tanggapan ng pamahalaan.