Isasagawa na ngayong araw ang pagpapalit ng liderato ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Sa pagitan ito nina outgoing DSWD Secretary Rolando Bautista at incoming DSWD Secretary Erwin Tulfo.
Gaganapin ang turnover of leadership ceremony sa DSWD Central Office sa Quezon City.
Isa sa mga aksyong ipinangako ni Tulfo ay ang pagbibigay prayoridad sa mga programang may kinalaman sa COVID-19 pandemic recovery at pagpapabilis ng distribusyon ng tulong pinansyal at relief goods tuwing may kalamidad.
Una na ring nagsagawa ng cluster briefings ang DSWD para kina Tulfo at ang team nito para sa maayos na paglilipat ng liderato at trabaho sa ahensya.
Bumuo rin ang DSWD ng transition handbook na magsisilbing gabay ng bagong mamumuno sa ahensya.