Mayroon pa din matitirang miyembro ang Liberal Party.
Ayon kay Cong. Edgar Erice, normal lamang ang paglilipat ng partido lalo na kapag magpapalit na ng liderato ang pamahalaan.
Sinabi ni Erice na sa ngayon ay hindi pa tiyak kung sino – sino ang lilipat ng partido subalit tiyak siyang mananatili siya bilang miyembro ng minorya.
Bahagi ng pahayag ni Congressman Edgar Erice
By Katrina Valle | Karambola