Ipinagpaliban ng MMDA o Metropolitan Manila Development Authority ang paglilipat ng temporary terminal para sa provincial bus mula sa Uniwide Coastal Mall sa isang lugar sa Macapagal Boulevard sa Paranaque City.
Ayon sa MMDA, hinihintay pa nito ang listahan ng mga bagong ruta na ilalabas ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB.
Inaalala rin ng MMDA ang mga commuter na tutulak pa Cavite at Batangas ngayong holy week na sanay nang sumakay ng bus sa Uniwide Coastal Mall Terminal.
Sinabi ng MMDA na posibleng ipatupad nila ang paglilipat ng terminal pagkatapos ng Easter Sunday.
Una nang inihayag ng MMDA na mahigit P1-M ang matitipid nila kada buwan kapag nagamit na ang bagong terminal.
By Judith Larino