Nakakita ng probable cause ang Sandiganbayan laban kay dating Chief Justice Renato Corona para isulong ang kasong perjury laban sa kanya.
Ito’y bunsod ng hindi pagdedeklara sa kanyang SAL-N o Statements of Assets, Liabilities and Networth ng ilan niyang assets.
Ayon kay presiding Justice Amparo Cabotaje-Tang, sa botong 4-1 ay ibinasura ng Anti-Graft Court ang motion for judicial determination of probable cause na isinampa ni Corona noong April 2014.
Sa reklamo ng Ombudsman, mula 2001 hanggang 2011 ay pumalo sa P30.37 million ang kabuang kita o legitimate earnings ni Corona, subalit P22.94 million lamang ang idineklara niya sa kanyang 2011 SAL-N.
Sinasabing undervalued din ang real estate properties ng mag-asawang Corona na itinala nito sa halagang P17.3 million.
By Jelbert Perdez