Hiniling ni dating Senador Bongbong Marcos sa Korte Suprema na uma-akto bilang PET o Presidential Electoral Tribunal na madaliin ang paglilitis sa kanyang election protest laban kay Vice President Leni Robredo.
Sa pitong (7) pahinang urgent ex-parte motion, nais ni Marcos na magtalaga ng tatlong (3) hearing officers ang PET na tutulong sa tribunal para sa preliminary conference.
Sinasabi sa mosyon ni Marcos na sa pamamagitan ng dagdag na tao sa PET, matutugunan na ang tatlong reklamo na nakapaloob sa kanyang electoral protest.
Ang unang reklamo ay patungkol sa automated election system, pangalawa ang tradisyonal na mga hakbang ng pandaraya tulad ng vote buying, pre-shading, intimidation at failure of elections.
Hiniling rin ni Marcos sa orihinal na petisyon ang pagbubukas ng lahat ng ballot boxes sa 36,465 clustered precints sa mahigit 20 lalawigan.
At ang ikatatlong bahagi ng protesta ay nakasentro sa hindi umano otorisadong pagkilos ng Smartmatic na naglagay ng bagong hash tag o bagong script sa transparency server habang isinasagawa ang pagbibilang.
By Len Aguirre