Nababagalan si dating Maguindanao Governor ngayo’y Congressman Esmael Toto Mangudadatu sa takbo ng paglilitis sa Maguindanao Massacre.
Ito ay bagamat nakatakda nang ilabas bukas ang hatol ng Korte sa nasabing massacre na ikinasawi ng halos 60 katao kabilang ang asawa at dalawang kapatid ni Mangudadatu.
Sinabi ni Mangudadatu na bumagal ang paglilitis dahil sa bultu-bultong ebidensya na inilatag ng mahigit 300 testigo at pagpapalit ng mga abogado ng depensa.
Pangunahing akusado sa nasabing massacre ang mga Ampatuan na kinabibilanga nina dating ARMM Governor Zaldy Ampatuan at dating Datu Unsay Mayor Andal Ampatuan, Jr.