Sinimulan na ang paglilitis sa isinampang reklamo ni Vanessa Bryant ukol sa maling paggamit ng mga larawan ng nangyaring helicopter crash na ikinamatay ng anak at asawang si Basketball Legend Kobe bryant sa California noong January 26, 2020.
Ayon kay Vanessa Bryant, invasion of privacy ang ginawa ng mga Sheriff at Deputy ng Los Angeles County sa pagsasapubliko ng mga larawan ng yumaong mag-ama nang walang permiso.
Sinabi rin ng abogado ni Bryant na may hawak sa nasabing kaso na natatakot ang pamilya na maging sanhi ng trauma ang mga nasabing larawan kung makikita ito ng kanilang ibang anak sa social media.
Nabatid na una nang nanindigan ang mga opisyal ng Los Angeles County na ang mismong pagbagsak ng helicopter at hindi ang mga larawan ang nagdudulot ng emotional at mental challenges sa pamilya ng basketbolista.