Muling ipinagpaliban ng Sandiganbayan ang paglilitis sa plunder case ni dating senate president Juan Ponce Enrile.
Pinayagan ni Sandiganbayan Third Division Chairperson at Presiding Justice Amparo Cabotaje Tang si Enrile na kinatawan ni Atty. Estelito Mendoza para maghain ng stipulations of facts sa Lunes, October 21.
Binigyan ni Tang ng sampung araw ang government prosecutors sa pangunguna ni Arieta Say para sumagot sa isusumite ni Enrile.
Nabatid na pumayag ang kampo ni Enrile na mag stipulate o maging bahagi ng kasunduan ang dalawang usapin: Ang pagkakilanlan ng akusado na si Enrile at siya ay senador nang maganap ang umano’y krimen.