Hindi nababahala ang Malacañang sa plano ng ilang mambabatas sa Estados Unidos na limitahan ang pagbebenta ng armas ng Amerika sa Pilipinas.
Ayon kay Presidential Legal Counsel Salvador Panelo, hindi naman nangangailangan ng karagdagang armas ang Department of National Defense (DND) at Philippine National Police o PNP.
Ipinagmalaki pa ni Panelo na may mga bansang magdo-donate sana ng armas sa Pilipinas ngunit tinanggihan ng DND sa katwirang sapat pa ang kanilang mga kagamitan.
Una na ring sinabi ng Pangulong Rodrigo Duterte na walang dapat ikabahala lalo’t may alok naman ang China at Russia na magsuplay ng armas sa Pilipinas.
Matatandaang naghain ng panukala sina US Senators Benjamin Cardin at Marco Rubio na limitahan ang pagbebenta ng armas sa Pilipinas dahil sa nagagamit umano ang mga armas na ito sa extrajudicial killings ng war on drugs ng pamahalaan.
By Ralph Obina
Paglimita ng US na magbenta ng mga armas sa Pilipinas di ikinababahala was last modified: May 6th, 2017 by DWIZ 882