Nakadepende sa rekomendasyon ng mga health expert ang mga panukalang ilalabas ng mga local government units (LGUs) para sa mga batang hindi pa bakunado kontra COVID-19.
Ayon kay San Juan City Mayor Francis Zamora, hinihintay na lamang nila ang rekomendasyon ng mga eksperto kung dapat pagbawalan sa mga mall ang mga batang 12 anyos pababa .
Dagdag pa ni Zamora, handa na silang ipatupad ang patakaran ngunit dapat uniform o iisa lamang ang polisiyang ito sa buong Metro Manila.
Samantala, nakatakda namang pag-usapan ng mga alkalde ang tungkol sa bagay na ito sa isasagawang pagpupulong sa mga susunod na araw.
Magugunitang, nanawagan si Pangulong Rodrigo Duterte na ingatan ang paglabas lalo na kung may kasamang bata makaraang may napapabalitang nagpositibo sa COVID-19 matapos magpunta sa mall.