Pinag-aaralan ng Department of Labor And Employment (DOLE) ang paglalagay ng limitasyon sa pagpapadala ng ilang mga professional o skilled workers sa ibang bansa.
Ito ay upang matugunan ang nakikitang kakulangan sa mga skilled na manggagawa sa bansa.
Ayon kay DOLE-Bureau Of Local Employment Director Dominique Tutay, may mga ikinasa na silang konsultasyon kasama ang ilang mga sektor sa paggawa at Philippine Overseas Employment Administration (POEA) hinggil sa usapin.
Kabilang aniya sa posibleng maapektuhan sa pinag-aaralang deployment restriction ang mga manggagawa sa sektor ng enerhiya, aerospace tulad ng mga mekaniko at konstruksyon.
Dagdag ni Tutay, masusi na nilang pinag-aaralan ang sitwasyon ng paggawa sa bansa lalo na’t matagal nang lumabas ang ulat ng pagkakaroon ng kakulangan sa mga manggagawa sa industriya ng konstruksyon.