Nagreklamo umano ang gobyerno ng China dahil sa paglipad ng isang military plane ng Amerika sa airspace ng pinagtatalunang South China Sea.
Ayon sa isang mataas na opisyal sa Defense Department ng Estados Unidos, hindi naman intensyon ng nasabing eroplano na mapalapit sa man-made island ng China at sa 12 nautical miles ng mga artipisyal na isla ng nasabing bansa.
Hindi rin anya ito parte ng freedom of navigation mission tulad ng paglalayag ng USS Lassen sa nabanggit na karagatan noong Oktubre.
Samantala, ayon naman kay Bill Urban, tagapagsalita ng US Defense Department, ang ginawang paglipad ng military plane ng Amerika sa West Philippine Sea ay bahagi ng kanilang B-52 training mission na regular nilang ginagawa sa nasabing karagatan.
By Jonathan Andal