Normal na ang nakikitang pag o-ober-da bakod ng mga pulitiko sa bagong Ruling Party kapag nagbabago ang Administrasyon.
Ito ayon kay House Speaker Feliciano Belmonte ay kayat wala siyang nakikitang problema sa paglipat ng maraming kongresista na ilan ay ka partido niya sa panig ni Incoming Speaker Congressman Pantaleon Bebot Alvarez.
Sinabi ni Belmonte na mayruon namang matitira para maging oposisyon at manatiling balanse ang pagganap nila sa trabaho.
Sa katunayan,ipinabatid ni Belmonte na nagpaabot na ng intensyon sina Congressmen Danilo Suarez at Toby Tiangco para maging Minority Leaders.
By: Judith Larino