Inaayos na ang paglipat kay dating Abra Governor Vicente Valera sa New Bilibid Prison (NBP) mula sa Camp Bagong Diwa.
Ayon kay Inspector Aris Villaester, spokesman ng BJMP-NCR, pinoproseso na nila ang paglilipat kay Valera at kapwa akusado nitong si Rufino Panday matapos ma-convict ang dating gobernador sa kasong pagpaslang kay dating Abra Congressman Luis Bersamin noong 2006.
Samantala, ipinabatid naman ni Quezon City Jail Spokesman Jayrex Bustinera na nakikipag-ugnayan na sila sa NBP officials para sa paglilipat dito ng isa pang akusado sa kaso na si Sgt. Leo Bello na nakakulong ngayon sa Quezon City Jail.
By Judith Larino