Nanindigan ang Department Of Health (DOH) na walang matibay na ebidensyang magpapatunay na maaaring mailipat ng mga alagang hayop ang COVID-19 virus sa mga tao.
Kasunod na rin ito ng report ng World Health Organization (WHO) hinggil sa bagong COVID-19 variant strain sa mga hayop tulad ng mink.
Ayon kay Health Secretary Maria Rosario Vergeire dapat mabusisi pa unang-una ang inilabas na ebidensya ng US center for disease control and prevention hinggil sa sinasabi nito nuon na pangunahing ang SARS COVID-19 virus ay naililipat mula sa isang tao patungo sa isang tao.
Una nang inihayag ng US CDC na posibleng magkahawaan ng COVID-19 ang tao at hayop bagamat maituturing itong rare case bagamat nagmula umano sa paniki ang virus na dala ng COVID-19.
Gayunman aminado ang CDC na lumalabas sa mga paunang obserbasyon nila na puwedeng mailipat ng tao ang virus sa mga hayop.
Binigyang diin ni Vergeire na hindi naman nila minamaliit ang posibilidad ng animal at human transmission subalit maglalabas sila ng protocols sakaling makakuha ng sapat na ebidensyang magpapatunay sa nasabing claim.
Nababahala ang ilang sektor sa mga panibagong development sa COVID-19 infections lalo na’t marami sa mga alagang hayop ng mga Pilipino tulad ng aso at pusa na libreng gumala sa labas ng bahay na nag e-expose sa mga ito sa virus ng COVID-19.