Tila sinisi pa ng Department of Agriculture ang mga magsasaka sa nararanasang oversupply ng bawang at repolyo.
Ito’y makaraang ihayag ni DA Senior Undersecretary Domingo Panganiban na tanim nang tanim ang mga magsasaka ng bawang at repolyo nang hindi iniintindi ang merkado para sa kanilang ani.
Tugon ito ni Domingo sa isyu ng oversupply ng bawang sa Batanes at repolyo naman sa Benguet.
Ayon sa DA Official, bagaman nagtatanim ang mga magsasaka sa Batanes at Benguet ng kanilang regular crop ngayong panahon, hindi naman nila batid kung may bibili ng mga ito.
Para anya matugunan ang pangamba, tutulong ang kagawaran sa mga magsasaka na magtanim ng iba pang crop bilang kapalit ng kanilang mga regular na pananim upang tumugma sa kasalukuyang pangangailangan ng merkado.
Palalakasin din ng DA ang value acts system approach para matiyak na may bibili ng ani ng mga magsasaka.