Aprubado na sa Senado ang paglipat ng kontrol ng Mislatel kay Dennis Uy at sa China Telecom Consortium.
Sa nasabing botohan na ginawa sa Senado ngayong hapon, tanging sina Sen. Franklin Drilon, Sen. Ping Lacson at Sen. Risa Hontiveros ang bumotong hindi pabor para sa nasabing mosyon.
Ayon kay Drilon, ang pag-apruba sa paglipat ng Mislatel owenership ay maaring maging hudyat ng paghina ng Kongreso.
Dagdag pa ni Drilon, maaring maging ‘precedent’ ang nasabing aksyon sa kahit sinuman o anumang korporasyon o business entity na lumabag sa batas ng pagprangkisa.
Matatandaan na inihayag kamakailan ng senador na wala nang bisa ang prangkisa ng Mislatel dahil nabigo silang mag-operate sa loob ng isang taon matapos makuha ang kanilang prangkisa.
The Senate has adopted House Concurrent Reso 23, approving the transfer, sale or assignment of the controlling interest of Mislatel. Minority Leader @BigManDrilon, @iampinglacson and @risahontiveros cast their negative vote on the measure https://t.co/5mI7zaP1eW pic.twitter.com/H0T6Kdw8Wj
— Senate of the Philippines (@senatePH) February 6, 2019