Umalma ang Advocates for Overseas Filipino ang pasya ng pamahalaan na ilipat na sa mga pribadong recruitment agencies ang PDOS o Pre-Departure Orientation Seminar para sa mga papa alis na OFW’s o Overseas Filipino Workers.
Ayon kay Poe Gratela, lalo lamang malalagay sa panganib ang buhay ng OFW’s kung ipapaubaya sa recruitment agencies ang PDOS.
Maliban dito, posible anyang labag ang hakbang na ito ng pamahalaan sa Migrant Workers Act na naglalayong mabigyan ng proteksyon ang mga manggagawang Pilipino sa ibayong dagat.
Sa Setyembre 5 napag-alamang pormal na ililipat ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa Coalition of Licensed Agencies for Domestic Service Workers, isang umbrella organization ng sampung recruitment agencies ang pagsasagawa ng PDOS.