Suportado ng Department of Trade and Industry ang pagbabalik ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa Department of Labor and Employment.
Alinsunod sa Executive Order 5 ni Pangulong Bongbong Marcos, inilipat ang TESDA sa DOLE mula sa DTI.
Ayon kay trade secretary alfredo pascual, naging attached agency ng DTI ang TESDA para sa policy at program coordination.
Inilabas anya ang EO 5 bilang pormal na pagbabalik ng TESDA sa mother agency nitong DOLE.
Taong 1994 nang itatag ang TESDA sa ilalim ng Republic Act 796 bilang attached agency ng nasabing kagawaran.
Gayunman, ipinag-utos ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na isailalim ang ahensya sa pangangasiwa ng cabinet secretary noong 2016 hanggang sa ilipat sa DTI noong 2018.