Suportado rin ni dating Tesda head, senate majority leader Joel Villanueva ang pasya ni Pangulong Bongbong Marcos na ilipat ang TESDA sa pangangasiwa ng Department of Labor and Employment mula sa Department of Trade and Industry.
Ayon kay Villanueva, tama ang naging hakbang ng Pangulo dahil nakasaad sa charter ng TESDA na ang labor secretary ang chair ng TESDA board.
Sa pamamagitan anya nito ay matitiyak ang mahusay na estratehiya para sa job generation ng pamahalaan at matutugunan ang isyu sa job skills mismatch.
Bukod kay Villanueva, sinuportahan din ni senate minority leader Koko Pimentel ang pagbabalik ng TESDA sa DOLE.
Ipinunto ni Pimentel na mahalagang magkatrabaho at magkatuwang ang mga nasabing ahensya sa pagtugon sa problema ng kawalan ng trabaho.—mula sa ulat ni Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)