Hindi na matutuloy ang pagpapalipat kay Police Chief Inspector Jovie Espenido bilang hepe ng pulisya sa Iloilo City.
Ayon kay Chief Superintendent Cesar Binag, direktor ng police regional office sa Western Visayas, kanselado na ang appointment ni Espenido bilang OIC o Officer-in-Charge ng Iloilo City police office.
Magugunitang inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na itatalaga si Espenido sa Iloilo City na aniya’y ‘Most Shabulized Province’ sa bansa kung saan sinasabing kasama pa sa narco-list si Iloilo City Mayor Jed Mabilog.
Una rito, binigyang diin ni Superindent Gilbert Gorero, tagapagsalita ng PRO-6, na hindi kwalipikado para maging police director si Espenido dahil hindi senior superintendent ang kanyang ranggo.
Naging kontobersiyal si Espenido matapos mapatay sina Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa, Sr. at Ozamiz City Mayor Reynaldo Parojinog noong italaga siya bilang hepe ng pulisya sa mga naturang lungsod.