Uunti untiin ng pamahalaan ang paglipat sa new normal o alert level 1.
Ayon kay Health Spokesperson Undersecretary Maria Rosario Vergeire, hindi agad-agad bubuksan ang iba’t ibang mga sektor.
Upang mailagay sa alert level 1, dapat aniya na 80% ang vaccination rate sa mga senior citizens at mga indibidwal na may comorbidities, at dapat na mayroon ding safety seal ang mga establisiyemento.
Sinabi pa ni vergeire na ang ika-apat na dose ng COVID-19 vaccine ay hindi pa kailangan sa ngayon.
Sa kabuuan, nasa animnapung milyong indibidwal na sa bansa ang fully vaccinated laban sa COVID-19.