Dapat ng ilipat sa labas ng Metro Manila ang ilang government office at factory bilang bahagi ng solusyon upang mabawasan ang traffic crisis.
Ito ang inirekomenda ni Transportation Secretary Arthur Tugade sa kanyang pagharap sa house deliberation hinggil sa planong pagbibigay ng emergency powers kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Partikular na tinukoy ng kalihim ang mga tanggapan ng gobyerno na hindi naman umano kailangan sa Metro Manila.
Aminado si Tugade na siryoso rin niyang ikinukunsidera na ilipat ang Department of Transportation sa Clark, Pampanga para mabawasan ang tao sa Metro Manila maging ang matinding traffic.
Maaari rin anyang baguhin ang oras ng trabaho subalit kailangan pang magpasa ng batas hinggil sa naturang panukala.
By: Drew Nacino