Pinaboran ng Korte Suprema ang kahilingan ni dating mayor Carlwyn Baldo ng Daraga, Albay na ilipat ang pagdinig ng kinakaharap na kasong murder kaugnay sa pagkamatay ni Ako Bicol Partylist Representtive Rodel Batocabe noong December 2018.
Binigyan ng tatlong araw ng high tribunal ang Legazpi RTC para ilipat ang kaso sa Manila RTC.
Ang banta sa kaniyang buhay ang idinadahilan ni Baldo sa kahilingang mailipat ang venue ng kaso laban sa kaniya.