Apatnapu’t lima (45) katao ang patay matapos na mabaon sa putik ang kanilang sinasakyang bus sa nangyaring landslide sa hilagang bahagi ng India.
Ayon sa mga opisyal ng Himachal Pradesh State, natabunan ng 15 metro ng putik ang dalawang sasakyan, dalawang bus at mga motorsiklo.
Nahihirapan ang rescue team na hukayin ang mga biktima dahil nagpapatuloy pa rin ang malakas na ulan sa lugar.
Malabo anilang maka-recover pa ng buhay na biktima dahil sa lalim ng tumabong putik at mga bato.
By Rianne Briones