Hindi na mapipigilan ang patuloy na pagsirit ng kaso ng COVID-19 sa bansa na maaaring pumalo pa sa 18k hanggang 19k ang mga bagong kaso kada araw.
Babala ito ni Professor Jomar Rabajante ng UP COVID- 19 pandemic response team kasunod nang pagtaas pa ng kaso ng COVID-19 dahil sa delta variant ng coronavirus.
Sinabi ni Rabajante na ang Pilipinas ay mayroong mahigit 20% na positivity rate o katumbas ng isa sa limang sumalang sa COVID-19 test ay positibo.
Binigyang diin ni Rabajante na tuluy tuloy ang pagtaas ng COVID-19 cases sa mga susunod na araw dahil hindi naman kaagad mararamdaman ang epekto ng ECQ.
Kasabay nito, umapela si Rabajante sa gobyerno na huwag lamang i-focus sa Metro Manila ang interventions nito dahil malaki rin ang pagsirit ng kaso ng COVID-19 sa mga lalawigan.