Nakakabahala na ang pagdami ng kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa National Capital Region (NCR).
Sa pagtaya ni UP Professor Guido David, malamang ay maaabot talaga ang projection nila na 85,000 kaso ng COVID-19 sa pagtatapos ng Hulyo.
Damay anya sa paglobo ng COVID-19 cases sa NCR ang mga karatig na rehiyon nito tulad ng Calabarzon.
Pinayuhan ni David ang pamahalaan na paigtingin pa ang pagkilos para ma-isolate ang mga infected at mas maging mahigpit sa pagpapatupad ng lockdown sa mga piling lugar.
Ngayon kasi ang problema yung mga asymptomatics hindi natin nade-detect sila kaya sila yung mga silent spreaders sa NCR saka karamihan sa infection sa indoor nangyayari so, yung mga outdoor hindi masyadong risk yan,” ani David. — panayam mula sa Ratsada Balita.