Lumobo na ang bilang ng panibagong kaso ng COVID-19 sa iba’t ibang panig ng mundo, simula noong huling bahagi ng Hunyo.
Nakapagtala ang WHO ng 552,263 new cases noong Martes at karagdagang 541,452 noong Miyerkules.
Katumbas ito ng daily average na 474,100 o 17% increase sa nakalipas na isang linggo habang sa kabuuan ay sumampa na sa 188, 347, 302 million ang COVID cases sa buong mundo.
Ang Delta variant ang itinuturong sanhi ng pagtaas ng kaso lalo sa asya, kung saan aabot sa 145,840 o 28% increase ang daily average case, partikular sa India at Indonesia.
Sumirit din ang COVID cases sa Europe sa daily average na 115,390 cases o 36% increase sa nakalipas na isang linggo lalo sa Netherlands, Belgium, Greece, France at Italy. —sa panulat ni Drew Nacino