Humihingi ng paliwanag si Iloilo City Mayor Jerry Treñas sa Department Of Health (DOH) matapos palagan ang ipinalabas na ulat ng kagawaran sa bilang ng kaso ng COVID-19 sa lungsod.
Ayon kay Treñas, hindi makatuwiran ang ulat ng DOH kung saan nakasaad na nakapagtala ang Iloilo City ng 41 bagong kaso ng COVID-19.
Gayundin aniya ang mailagay ito bilang pang 5 sa mga lugar sa bansa na may pinakamaraming naitalang kaso, kahapon, Miyerkules,
Sinabi ni Treñas, 2 lamang ang naitala nilang kaso kahapon Nobyembre 4 habang 9 naman noong Martes, Nobyembre 3.
Ani Treñas, nais niyang humingi ng panuntunan sa paraan ng pagrereport ng DOH ng data gayundin ng paglilinaw kung saan nakuha ang naturang numero.