Ikinababahala ng World Health Organization (WHO) ang posibleng paglobo pa ng kaso ng COVID-19 sa North Korea.
Ito ang sinabi ni WHO Emergencies Director Mike Ryan na hindi malayong makaranas ang North Korea ng mataas na bilang ng hawaan dahil marami pa ring mga mamamayan ng North Korea ang hindi pa nababakunahan kontra COVID-19.
Isa pang magpapa-lala ng kalagayan sa naturang bansa ay ang hindi nila paggamit ng mga lunas na makikita na sa iba’t-ibang mga bansa.
Gayunman, tiniyak nila na handa ang WHO na tumulong ngunit wala silang kapangyarihan na makialam sa soberanya ng isang bansa.