Hindi na nagtaka si Pangulong Rodrigo Duterte sa paglobo ng bilang ng kaso ng vote buying ng mga kandidato sa katatapos lang na eleksyon.
Ayon kay Pangulong Duterte, bahagi na ng kultura ng pulitika sa Pilipinas ang vote-buying.
Sinabi pa ng pangulo na hindi lamang pamimili ng boto ang dahilan ng mga kandidato kaya’t namimigay ng pera kundi para suportahan din ang kanilang taga suporta na nagbantay ng kanilang boto.
“The practice of buying votes has been an integral part of an election in the Philippines. Yang pagboto, lahat yan, walang hindi nagbibili ng boto dito, maniwala ka. Walang hindi nagbibili ng boto. Ituro mo kung sino ang hindi nagbili ng boto.”
Gayunman sinabi ng pangulo na dapat paring maparusahan sa ilalim ng batas sakaling mahuli sa akto ang mga sangkot sa vote buying.
“Ganito yan, if they are caught, they should be prosecuted under the law.”