Tuloy tuloy ang paglobo ng bilang ng mga turista sa Boracay, kahit pa nagsisulputan na sa mga beach doon ang mga algae o lumot.
Ayon kay Julfe Rabe, Information Officer ng Caticlan Jetty Port, nasa 167 thousand foreign at local tourist ang naitala nila noong nakaraang buwan mas marami ito kumpara sa 156 thousand tourists noong Marso ng 2016.
Bagamat sinasabi ng gobyerno na ligtas paglanguyan ang tubig sa beach na may lumot, nagbabala naman ang marine biologist na si Edgardo Gomez na ang maraming bilang ng tao ay lalo lamang makapagdadagdag sa algae formation sa tubig.
Kaya naman hinihikayat ni gomez ang gobyerno na limitahan ang bilang ng mga turista sa mga beach.
Samantala, target ng Aklan Provincial Government na makapagtala ng dalawang milyong turista sa Boracay ngayong taon para mahigitan ang 1.72 million tourist noong 2016.
By: Jonathan Andal